Thursday, July 08, 2004

galaw! galaw!

ililibing na rin ba ang site na to? op kors nat, chocnut!

meron lang kaming mga kanya-kanyang inaasikaso kaya medyo hindi ka namin napapansin pero wag ka nang magtampo. eto na nga't susulat na eh...

busy ang buong altertropa pero would we pass up a chance to meet over lunch? op kors nat ulet, tsokoleyt! nagkita-kita kami kanina para sabay-sabay na mananghalian sa harrison plaza. aba, kuya eebil, congrats sa unang pagkakataon mong nakatungtong sa harrison! isa ka nang ganap na tao! bwahahahaha.

ano na nga ba ang bago sa amin? hmmm...

ako - windang pa rin sa mga preparasyon para sa aking kasal sa simbahan. although medyo nagdadalawang isip (wacha! dalawang isip? meron ba ko ni isa?) na ako kung bakit kailangan pa ng kasal sa simbahang gayung kasal naman na kami sa huwes. pero di bale na, hindi naman ako gagastos.

si chiekeeboi - ay. masaya. tanong mo sya kung san sya matutulog.

si purporgurl - ayan, lagari forever sa gimikan at mga raket. di ko pa rin magpagtanto kung san nya kinukuha ang pag-unawang ibinibigay nya sa kanyang mga friends pero sabi nga nya, sana'y na daw sya. oh, purporgurl, pengeng pasensya!

si tich - teacher na talaga. isa na syang instructor sa kolehiyo sa kahabaan ng macapagal avenue sa pasay. isa lang naman ang paaralan dun kaya malamang alam mo na kung ano.

si paperback writah - hey, are you still alayb? kala ko be never let education interfere with blogging? tsk, tsk...

si layabelles - ay. masaya din. hihi.

si eeblboiasteeg - eebil pa rin. hehe. dalawang gabi (o mahigit?) nang pissed sa ilang mga pakshet na nakakahalubilo nya.. hmmm.... cool ka lang kuya.

hay. kanya-kanyang buhay paminsan-minsan pero sama-sama pa rin.

--------
PAGBATI!

get well soon, fafaden! at happy birthday, attorney!

yun lang. :D



0 Comments:

Post a Comment

<< Home